Mayo 04, 1994, ganap na labing apt na minuto matapos ang alas nuebe ng gabi, isinilang ang isang batang may dalang matamis na ngiti ng isang anghel sa lungsod ng San Pablo, lalawigan ng Laguna. Siya ay ang bunsong anak nina Joel Capistrano de Castro at Eugenia Yanga Maghirang at pinangalanang Jael Mikko Maghirang De Castro. May isa laman siyang kapatid na nagngangalang Janine Mariz de Castro.
Noong siya y limang taon, nag-aral siya sa Liahona Learning Center. Bata pa lamang ay ipinamalas na niya ang husay sa ibat- ibang larangan kagaya ng talumpati, pagmomodelo at iba pa. Sa bawat kompetisyong sinasalihan niya ay nagtatagumpay siya at minsanan lang matalo ngunit ang pagkatalo niya ay nagsisilbing hamon sa kanya. At nang makatapos, nagkamit pa siya ng ibat-ibang karangalan sa nasabing paaralan.
Pagtungtong niya n pitong taong gulang, ipinatala siya ng kanyang mga magulang sa Paaralang Sentral sa lungsod ng San Pablo upang mahasa pa ang mga talento niya. Sa bawat taong lumilipas ay ibat ibang hamon ang kanyang hinaharap at sa bawat paglampas niya sa mga ito ay marami siyang natututunan na talaga naman nakututulng sa kanya. Siya ay nakabilang sa mga mag-aaral na nasa pilot section kaya naman matindi ang kompetisyong kanyang hinaharap. Pero sa kabila pa din nito, nagawa pa rin niyang makipagsabayan dahil determinado siyang maging matagumpay. Sa kabila din ng kahirapan ng pamilya nila, nagsikap si Mikko at ang kanyang ate sa pag-aaral upang makatapos.
Si Jael Mikko ay kasalukuyang nag-aaral sa isang pampublikong paaralang pangsekundarya. Ito ang Col. Lauro D. Dizon Memoial National High School. Ang paaralan kung saan mas nahubog pa ang kanyan mga talento dahil sa husay ng mga guro dito.
Ang unang taon niya ay puno ng kakulitan dahil nakilala niya ang iba't ibang mga kaibigan na siyang naging pundasyon niya upang maging mas matagumpay pa. Sumunod na taon ay halos ganun pa din ngunit nabawasan siya ng isang kaibigan dahil lumipat na ito. Sa ikatlong taon ay mdyo humigpit ang oras sapagkat kinailangan na nilang magseryoso sa mga bagay-bagay. Ngayong nasa ikaapat na taon na ay marami nag nagbago. Maraming mga kaibigan ag nahiwalay ngunit buo pa din ang samahan. Nabuo ang SCYBER PHOENIX family na nagpatatag pa ng samahan ng IV-Science. Ikinalulugod ni Mikko na makilala ang SCYBER PHOENIX dahil sa mga masasayang moments at experience na ibinigay nila.........
Ang lahat ng bagay ay hindi pa dito nagtatapos. Marami pang maaring mangyari kaya naman dudugsungan ko pa ito kapag narating ko na ang mga dapat kong marating....just wait and see...!!
No comments:
Post a Comment