Taong 2012, nagkaroon ng matinding digmaan sa pagitan ng malalakas na grupo dito sa Pilipinas. Dahil dito napilitang makipagalyansa ang mahihinang grupo sa malalakas na grupo. Hanggang nagging tatlong grupo na lamang ito na kinilalang ZAF, EAF at Royal Knights. Dahil sa mataas na antas ng kaalamang teknolohikal sa bansa, nakagwa silang mga robot na tumatayo ng hanggang 17 palapag ng gusali o mas kilala sa tawag n Mobile suits. At gamit ang mga sandatang nilang mobile suits, walng humpay sila sapakikipagdigma at pagpatay.
Sa kabila ng lahat, isang grupo ng kabataan na binubuo nina Vanz, Jay, Rex, Ed, Rolan at Yael ang nagkukwentuhan tungkol sa gusto nilang mangyari sa hinaharap. Iisa lamang ang minimithi nila at it ay ang kapayapaan sa Pilipinas. Maya-maya pa ay nasambit ng ni Yael na dapat siguro silang gumawa ng paraan para matigil na ang digmaan dahil kung walang kikilos ay walang mangyayari. Sumang-ayon nmn ang lahat at ang desisyon silang pumasok sa paaralan kung saan mahuhubog ang galing nila upang maging piloto ng isang mobile suit. At ang paaralang ito ay kinilalang Dizon High. Sa pagpasok nila sa paaralan ay nakilala nila ang maraming kaibigan hanggang sa mapalagay sila sa pinakamataas na pangkat, ang “Cyber Phoenix” section. Ang pangkat na ito ay binubuo ng magagaling at matatalinong estudyante na kagaya nila na iisa lang ang minimithi. Tumayo ang isa’t nagpakilala sa anim. Ang pangalan niya ay Peewee. Siya ang nangunguna sa klase at siya na rin ang nagboluntaryong magpasyal sa mga bago niyang kaklase sa buong paaralan. Ipinaliwanag din niya na walang kinakampihan ang mga bata doon at lahat ng nagtapos ay hindi sumasali sa dimaan dahil hindi naman nila ninanais ito. Sinabi din niya na may walong mobile suits ang ginagawa sa paaralan, ang Destiny, Strike, Impulse, Aegis, Savior, Legend, Justice at Freedom. Tanging walong karapat-dapat ang mapipili upang maging piloto ng mga ito. Dagdag pa ni Peewee na bubuo ang paaralan ng isang grupong susugpo sa digmaan gamit ang mga ginagawang mobile suits, susugpuin ang digmaan kaya naman pipiliin lamang ay yaong mga karapat-dapat at ang mga mapipili ay tatawaging Gundam Majesters. Matapos ang pamamasyal ay nagtungo na sila sa kanya-kanyang dormitoryo.
Kumagat na ang dilim ngunit gising pa din si Yael na waring may iniisip na malalim tungkol sa mga sinabi ni Peewee kanina. Lumabas muna siya upang magpahangin. Maya-maya pa ay nakita niya ang mga kaibigan na nakaupo sa may oval ng paaralan at parang may pinaguusapan kaya naman agad siyang tumungo doon. Pagkalapit niya ay may pinagusapan silang importante. Lumipas ang ilang oras ng malalim na usapan. Pagkatapos ng usapan ay nagdesisyon silang pagbutihan nila upang sila ang maging karapat-dapat na piloto ng mga suits. Pagkatapos ay nakaramdam na sila ng pagod at pagkaantok kaya naman natulog na sila.
Patuloy na lumipas ang mga araw at ilang taon at narrating na nila ang pinakahuli nilang pasubok dahil sila ay nasa huling taon na ng pag-aaral at ito na din ang panahon kung saan pipiliin na ang mga magiging piloto ng walong mobile suits. Pero bago ang lahat, ang pagsubok na kailangan nilang harapin ay kung paano nila mapapagana ang mga mobile suits dahil hindi sapat ang enerhiyang ibinibigay ng nuclear reactor sa loob ng mga ito. Isa pa ay masyadong delikado ang mga ito sa kalusugan ng iba. Walang dalawang-isip na nagkatinginan sina Ed, Rolan at Yael na parang iisa ang nasa isip. Maya-maya pa ay napatingin na din sina Jay, Rex at Vanz. Makikita sa mga mata nilang lahat na iisa ang laman ng isipan nila at agarang umalis ang mga ito.Hiniramnila ang apat na hover bikes at dalawang hover boards na nakaparada sa tapat ng Male Faculty room.sinabi ni rolan na saka na lamang sila magpapaliwanag pagbalik nila at umalis na ang mga ito.
Pumunta sila sa bahay ni Yael at hinanap ang isang plano tungkol sa isang power source project na iniwan ng kanyang ama. Bumalik na sila sa paaralan matapos makita iyon. Ipinaliwanag nila na ang proyektong iyon ay gagamitin sana upang maging makina para sa isang advance warship na para sana sa Pilipinas ngunit dahil sumiklab ang digmaan, itinigil ang proyektong iyon. Dagdag pa ni Rex na ito ay mas malakas ng sampung beses kaysa sa isang nuclear reactor. Napatanong ang mga guro kung ano ba ang tawag doon. Sinagot ito ni Ed ng buong loob at sinabing tinatawag itong solar reactor na naglalabas ng GN-particles na may kakayahang magbigay ng enerhiya sa sampung bansa sa loob ng mahigit limampung taon. Dagdag pa ni Rolan na isa daw itong breakthrough sa mundo ng teknolohiya. At dahil sa mga impormasyong nakalap ng mga guro, ginawa na agad ito habang pinipili pa kung sino ang mga magiging piloto ng mga mobile suits. Sa ngayon magpapahinga na muna ang mga bata.
Matapos ang isang buwan, natapos nang palitan ang mga nuclear reactor ng solar reactor. Kasabay nito, napalipat mula sa Mindanao papunta ng Laguna ang digmaan sa pagitan ng ZAF, EAF at Royal Knights. Nagkataong nakasentro pa ng digmaan ng digmaanang Dizong high kaya naman ang mga gurocay walang inaksayang pagkakataon at pinili na nila ang mga piloto ng mga mobile suits. Si Peewee ang napili para magdala ng Destiny, Veejay ay sa Aegis, Jay sa Impulse, Rex sa Strike, Vanz sa Savior, Rolan sa Justice, Ed sa Legend at Yael sa Freedom. Gamit ang mga mobile suits na ito, pipigilan nila ang digmaang nagaganap. Pinangako nila na sila ang magsisilbing simbolo ng kapayapaan. Ang oval ay bumukas at nagsilbing launch pad ng mga mobile suits. Pagkalabas nila, kinalaban nila ang mga mobile suits ng mga naglalabang grupo. At habang nakikipaglaban ay kinakausap nila ang mga pinuno ng bawat grupo. Sinabi nila na ang digmaan ay dapat nang matigil sapagkat maari itong magsilbing pagkakataon ng mga kalabang bansa na lumusob at sakupin ang bansa.
Ngunit ayaw nilang pumayag kaya sa pangunguna ng Freedom ay winasak ng mga Gundam Majester ang pinakamalalakas na mobile suits ng bawat grupong naglalaban. Sinira din nila ang mga warship ng mga toat napilitan na silang sumuko. Dahil sa pagsukong iyon nagkaroon na ng pagkakasundo sa bawat panig at nagtatag ng isang samahang mangangalaga sa buong bansa. Tinawag nila itong “Celestial Beings”upang maging tanda na ang mga batang piloto ang nagmulat sa kanila sa katotohanan.
Ang Dizon High naman ay ang nagsilbing paaralan at kampo ng Celestial Beings. At sa bandang huli, si Yael at ang kanyang mga kaibigan ay hindi nagsisi sa pagpasok sa paaralang iyon dahil ang paaralang iyon ay hindi lamang basta paaralan, ito ay paaralan kung saan mahuhubog ang iyong talent at mailabas ang iyong tunay at walang kapantay na kakayahan.
No comments:
Post a Comment